โ€œIt [Journalism] made me more empathetic and driven to tell stories that matter, giving a voice to those who might otherwise be unheard.โ€

Ang pagiging maunawain at mahabagin sa kalagayan at mga pagsubok ng iba’t ibang indibidwal at komunidad ang naging susi sa tagumpay ni Caryl Angela Opulencia ng Philippine Science High School – CALABARZON Region Campus bilang isang feature writer at campus journalistโ€”kabilang ang pagiging 2024 Most Outstanding Campus Journalist ng kanyang rehiyon.

Kwento niya, noong una, tanging ang hilig sa pagsusulat, pagnanais na makita ang pangalan sa byline, at oportunidad na sumali sa mga kompetisyon ang rason kung bakit niya nae-enjoy ang campus journalism.

Ngunit kalaunan ay naunawaan niya ang tunay na halaga nito at kung bakit kailangan itong palakasin.

โ€œSa pamamagitan nito namumulat ang mga โ€˜bukas ng bayanโ€™ sa reyalidad ng mundo habang nagsusulat at nag-uulat para magmulat din ng kanyang mga kapwa mag-aaral. It is through campus journalism that students learn to be critical and compassionate members of the society and it is their civic responsibility to be involved and immersed in the community,โ€ binigyang-diin ni Caryl.

Ayon kay Caryl, dapat taglayin ng isang Most Outstanding Journalist ang sumusunod: integrity, passion for excellence, at commitment to service, โ€œ[Siya] ay isang indibidwal na hindi lamang mahusay sa teknikal na aspeto ng pamamahayag, kundi pati na rin ay may malalim na pang-unawa at malasakit sa mga isyu ng kanyang komunidad. Siya ay isang tunay na lider sa kanyang larangan, na inspirasyon at gabay para sa kanyang mga kapwa mag-aaral at mamamayan.โ€

Sa unang pagkakataon na pagsali ay naging national qualifier din ang pahinang Agham ng Siklab ng Katagalugan, opisyal na pahayagan ng PISAY-CALABARZON sa Wikang Filipino, kung saan punong abala si Caryl bilang punong patnugot nito.

Alay niya ang mga pagkilala at parangal na ito sa kanyang yumaong Lolo Severino Catapang kung kanino niya na namana ang pagiging matapang na kaakibat ng pagiging mamamahayag ayon sa Journalistsโ€™ Creed, โ€œAs I accept this honor, I lift all the glory to God, and to my Lolo: Ama, I hope you’re proud of the journalist I have become.โ€

Sa paparating na National Schools Press Conference sa Carcar, Cebu, layon ni Caryl na madepensahan ang kanyang personal NSPC championship title sa Pagsulat ng Lathalain at tiyakin na maiuwi ng CALABARZON ang overall championship sa ika-10 pagkakataon.

โ€œBut ultimately, my goal really is to continue inspiring people and telling stories that matter and if it’s through this huge opportunity, the NSPC, do I get to improve my journalistic skills and meet people of the same passion as mine, then I aim to make the most out of it,โ€ dagdag niya.