โ€œI was shocked po [to be chosen as one of Palarong Pambansa players for CARAGA] kasi ang liit ko po talaga na player.โ€

Bago niya marating ang isa sa mga pinakamataas na lebel ng collegiate volleyball sa bansa, mahaba ang naging paglalakbay ng volleyball sensation ng CARAGA Region na si Angel Mae Habacon upang bumuo ng sariling pangalan sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Nagsimula siyang maging interesado sa sport na volleyball noong Grade 2 pa lamang siya dahil na rin sa impluwensiya ng mga kaibigan niya sa kanilang komunidad. Matapos ang tatlong taon, sumabak na siya sa unang Palarong Pambansa niya noong 2014 na ginanap sa Santa Cruz, Laguna.

Ayon kay Angel, isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit siya napabilang sa koponan ng CARAGA noong Grade 5 pa lamang siya ay dahil sa kaniyang taas ng talon, isa sa mga asset na kinakailangan sa paglalaro ng volleyball.

โ€œ[Noong] Grade 5, my position was setter. Ang liit ko po, pero sabi nila, I can jump higher.โ€

Bagamat hindi nanalo ang kanilang dibisyon na Bislig City sa Regional Meet, isa siya sa mga tatlong manlalaro na kinuha para katawanin ang kanilang rehiyon. Siya man isa sa mga pinakabatang miyembro ng kanilang koponan, inatasan siya ng malaking responsibilidad na maging team captain sa kaniyang mga kakampi.

Naging spiker naman siya ng kaniyang koponan para sa 2015 Palarong Pambansa sa Tagum City kung saan umabot sila sa Quarter-Finals ng torneyo, ang pinakamataas na naabot ng kanilang rehiyon noong panahong iyon.

Mas naipakita pa niya ang kaniyang lakas at galing noโ€™ng nakapasok siya sa San Beda University upang lumahok sa NCAA Womenโ€™s Volleyball tournament. Sa unang season pa lamang niya sa torneyo, nagwagi siya ng Rookie of the Year at 1st Best Outside Spiker.

โ€œGrateful pa rin ako kasi hindi man namin nakuha โ€˜yong goal namin ngayon this season, may blessing pa rin na binigay saโ€™kin si Lord.โ€

Bilang isang manlalaro na lumahok sa limang Palarong Pambansa mula elementarya hanggang sekondarya, hinikayat ni Angel na mag-enjoy ang mga lalahok sa darating na Palaro sa Cebu City.

โ€œSa mga athletes po na maglalaro ngayong Palarong Pambansa, i-enjoy niyo lang โ€˜yong moment na โ€˜yon kasi once in a year lang โ€˜yan mangyayari. At saka ibigay niyo โ€˜yong best niyo palagi.โ€

โ€œLive in the moment and cherish it. And, know that kaya mo โ€˜yan palagi. โ€˜Yong sportsmanship din, hindi dapat kalimutan kasi โ€˜yan โ€˜yong pinaka-importante โ€˜pag sa sports.โ€