โDahil sa sports, nabigyan ako ng scholarship dito sa NU. Isa ito sa mga pinakamalaking naitulong sa akin pati na sa family ko.
Para sa mga learner-athlete, isang pangarap ang makaabot sa Palarong Pambansa dahil bukod sa pagkakataong maging kinatawan ng kanilang rehiyon, marami ring mga oportunidad ang naghihintay sa kanila lalo na kung makapag-uwi pa sila ng medalya.
Kung kaya para kay Van Alexander Obejas, isang student-athlete na mula sa Tacloban, Leyte, isang malaking biyaya na nakasungkit siya ng medalya noon.
Nagsimula siyang makapasok sa Palarong Pambansa noong 2017 na ginanap sa Antique. Hindi man nakapagkamit ng medalya sa unang sabak sa Palaro, hindi ito naging hadlang upang sa mga susunod na taon ay masimulan niya ang pagkamit ng medalya para sa Eastern Visayas.
Sa ginanap na Palarong Pambansa noong 2018 sa Vigan, nakamit si Van ng Bronze Medal sa 110-meter hurdles at noong 2019 sa Davao ay nakakuha siya ng Silver Medal sa 400-meter hurdles at Gold Medal sa 110-meter hurdles.
Aniya, ito ang pinaka-memorable experience niya sa Palaroโang masungkit ang una niyang gintong medalya sa kaniyang karera.
โ[Yung di ko malilimutan sa Palarong Pambansa] yung naka-gold ako kasi three years [in the making] yun, eh. Nung 2018, bronze, tapos 2019 yung kauna-unahang gold medal. Dahil doon, marami nang blessings at opportunities na dumating.โ
Dagdag pa niya, simula nang maging podium finisher siya sa Palarong Pambansa noon ay nagsimula nang lumapit ang National University para siya ay bigyan ng scholarship sa college at makapaglaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Para kay Van, hindi madali ang maging isang student-athlete, gayumpaman, nakapagbigay ito ng maraming leksiyon, opportunidad, at biyaya sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
โDahil din sa sports, mas natuto akong ibalanse at i-manage yung time ko kasi ayun nga, student-athlete, kailangan ma-manage mo โyung time mo sa training at saka sa klase.โ
Sa kasalukuyan, si Van ay kumukuha ng kursong BS Civil Engineering at apat na taon nang naglalaro sa Athletics Team ng nasabing unibersidad. Sa katatapos lamang na UAAP Season 86, nakapagkamit si Van ng dalawang Gold Medal mula sa 110-meter hurdles at 4ร400 meter relay at dalawang Silver Medal mula sa 4ร100 meter relay at 400-meter hurdle na malaking bahagi para sa National University upang maging kampeon ng Menโs Athletics Division ng UAAP Season 86.