![]() ![]() ![]() ![]() |
PASIG CITY, 7 Mayo 2025 – Siniguro ni Education Secretary Sonny Angara na nananatili ang polisiya ng Kagawaran na lahat ng mga mag aaral na magtatapos o mag graduate ay dekalidad na may sapat na natutuhan at hindi pasang-awa.
Ang paglilinaw na ito ay ginawa ng Department of Education (DepEd) kasunod na derektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resolbahin ang problema sa literacy at iba pang problema sa pag-aaral.
Ayon kay Sec. Angara, walang umiiral na awtomatikong pinapasa ang mga mag aaral para maka graduate na agad.
Naniniwala si Sec. Angara na posibleng hindi sinasadya na may ilang pagkakataon na lumilitaw insentibo at napagkakamalang awtomatikong pasado ang mag aaral pero hindi agad na itinatama itp ng pamunuan ng DepEda para matiyak na de kalidad ang mga mag aaral na produkto ng public school.
“Wala pong policy ang DepEd na automatic na pagpasa sa mga estudyante,” ani Secretary Angara. “Pero dapat din nating aminin—may ilang bahagi ng sistemang minana natin na parang tahimik na nagtutulak sa mga paaralan at guro na iangat ang bata. ito ang nais namin ayusin,” ani Sec. Angara.
Ipinaliwanag din ni Secretary Angara na ang performance-based evaluations sa loob ng DepEd ay batay sa mas malawak at mas holistic na set ng indicators—kabilang ang Performance, Process, Financial, at Citizen/Client Satisfaction Results.
“Kapag ang sukatan ng tagumpay ng paaralan ay nakatuon lang sa dami ng pumapasa, at kapag nararamdaman ng guro na dito rin nakasalalay ang sarili nilang evaluation o promotion, hindi na nakakagulat kung doon din pupunta ang takbo ng sistema,” ani Angara. “Hindi ito pagkukulang ng tao, kundi ng disenyo.”
Kasama sa mga repormang isinusulong ng kagawaran ang masusing pagrebisa ng mga patakaran sa assessment, remediation, at promotion ng mga mag-aaral.
Layon nitong tiyakin na ang bawat promotion ng mag-aaral ay nakabatay sa aktuwal na natutunan ng mag-aaral—na may malinaw na standards, epektibong remediation, at patas na evaluation para sa mga guro.
“Hindi nakasulat ang mass promotion bilang patakaran—pero sa ilang lugar, tila naging tahimik na norma ito. Gusto naming baguhin ‘yon,” dagdag ni Angara. “Dapat pinaghihirapan ang promotion. At ‘yung tunay na pagkatuto—’yun ang dapat na nililikha ng sistema, hindi lang inaasahan.”
END