![]() ![]() ![]() ![]() |
LUNGSOD NG PASIG, 9 Mayo 2025 — Malugod na tinanggap ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang paglabas ng Resolution No. 2500229 ng Civil Service Commission (CSC), na pormal na kumikilala sa Junior at Senior High School (SHS) graduates bilang kuwalipikado sa mga first-level government positions—isang mahalagang reporma na alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang mga oportunidad para sa kabataang Pilipino.
Inisyatibo ng DepEd at pinahusay sa pamamagitan ng malapit na koordinasyon sa CSC, Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang repormang ito ay nag-a-update sa educational requirements para sa mga posisyong pampamahalaan na may kinalaman sa gawaing klerikal, teknikal, sining o kasanayan, at custodial services. Naging mahalaga rin ang papel ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) sa pagsasaayos ng inter-agency na pagtutulungan upang maisakatuparan ang reporma.
“This is a huge step forward for our K–12 graduates, especially those from the Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track,” ani Education Secretary Sonny Angara. “For years, our SHS students have been trained to be work-ready, but policy gaps kept them from entering the public sector. This reform finally bridges that divide.”
Sa ilalim ng binagong pamantayan sa kwalipikasyon, maaaring makapasok ang JHS at SHS graduates sa mga entry-level na posisyon sa gobyerno, kabilang ang gawaing klerikal, teknikal, kasanayan, at custodial na may kinalaman sa istraktura at sub-propesyonal na trabaho.
“We thank the CSC for this landmark decision,” dagdag ni Angara. “It not only opens new doors for our learners but also boosts the government’s talent pool with fresh, young professionals trained under our K–12 system.”
Pinagtitibay ng resolusyon na handa ang JHS at SHS graduates para sa serbisyo sa pamahalaan, sa kondisyong kwalipikado sila sa ibang standards tulad ng karanasan, pagsasanay, at eligibility requirements, at mapili batay sa merito at angkop na kwalipikasyon alinsunod sa alituntunin ng mga ahensya ng pamahalaan. Magkakabisa ang bagong qualification standards 15 araw matapos mailathala sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon o sa Official Gazette.
Ayon kay Angara, isang malinaw na pahiwatig ang tagumpay na ito para sa learners at magulang na ang kurikulum ng K–12 ay tunay na nagbibigay ng oportunidad, at na ang diploma sa high school ay maaari nang maging panimulang hakbang patungo sa isang karerang sa gobyerno.
END