LAOAG CITY, 29 Mayo 2025 — Habang nagpapatuloy ang aksyon sa 2025 Palarong Pambansa, tiniyak ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa publiko na nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan at kalidad ng pagdaraos ng pristeryosong palarong pambansa—lalo na’t ito’y ginaganap sa sariling lalawigan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Prepared kami sa lahat. Siyempre iniisip namin ano ang pwede mangyari. Ako’y nagpapasalamat sa ating DepEd family at siyempre sa mga local governments dito sa Ilocos Norte. Very supportive sila,” saad ni Education Secretary and Palarong Pambansa Board Chairperson Sonny Angara.

Bilang Chairman ng Palaro Board, personal na tinututukan ni Secretary Angara ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa. Sa pamamagitan ng regular weekly updates at direktang koordinasyon sa mga komite, tinyak ang agarang tugon sa mga usaping may kinalaman sa logistics at kapakanan ng mga kalahok.

Binigyang-diin rin ni DepEd Undersecretary for Operations at Palaro Secretary General Malcolm Garma ang pahayag ni Sec. Angara, sa pagkakaroon ng maayos na koordinasyon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte, mga lokal na pamahalaan, at partner agencies upang matiyak na magiging ligtas, inklusibo, at de-kalidad ang Palaro ngayong taon.

“More than infrastructure, it’s the community support and national pride that make this Palaro extraordinary,” ani Usec. Garma.

Isa sa mga feature ng Palaro ngayong taon ay ang robust health at safety framework na itinatag ng DepEd at mga organizer. Ni-require ang lahat ng atleta at miyembro ng mga delegasyon na magpresenta ng medical certificate bilang patunay ng kanilang kahandaan bago dumalo ang paligsahan.

Pagdating sa venue, agad din silang sumasailalim sa physical health checks, at mahigpit na ipinatutupad “Fit to Play” policy ng medical professionals. May first aid stations at hydration areas din sa bawat venue, at may mga nakaabang na ambulansya sa billeting at competition sites.  Ang mga medical team ay nakahanda ring tumugon hindi lamang sa injury management ngunit pati na rin sa pagbibigay ng Psychological First Aid.

Mayroon ding masinsinang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya para sa disaster and environmental-concerns. Dagdag pa rito, may mga Learner Rights and Protection Desks sa lahat ng billeting quarters ant playing venues para sa psychosocial support at agarang interbensyon.

Para masolusyunan ang perennial problems tulad ng init at kakulangan ng tubig, lalo na sa billeting schools na hindi naka-disenyo para sa maraming tao, nag-upgrade ng electrical system ang DepEd at LGU, at nakipagtulungan sa Bureau of Fire Protection para mag-supply ng malinis na tubig. In-adjust din ang game schedules para iwasan ang 10:00 AM to 3:00 PM matches — kahit indoor sports na kulang sa ventilation.

Pinagtutuunan din ng pansin ang food safety at hinikayat ang mga atleta na kumain lamang sa mga certified vendors. Mahigpit ding ipinapatupad ang WASH (Water, Sanitation, and Hygiene) standards, pati na ang mga anti-smoking, anti-vaping, at anti-alcohol na patakaran.

May private partners din na tumulong upang makapagbigay ng refreshments, gamot, merchandise, at iba pang kailangan ng athletes at officials.

Habang papalapit ang pagtatapos ng Palaro sa Mayo 31, umaasa ang DepEd na ang sipag ng mga atleta, ang mainit na pagtanggap ng hosts, at ang disiplina ng organizers ay magiging bagong pamantayan para sa susunod na mga Palarong Pambansa.

END