![]()
|
![]() |
LUNGSOD NG MALOLOS, BULACAN, 9 Hunyo 2025 —Pinangunahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Education Secretary Sonny Angara ang kickoff ng Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education ngayong Lunes sa Bulacan kung saan libo-libong volunteers ang nakiisa nationwide.
Bumisita sina Pangulo Marcos at Secretary Angara sa dalawang public schools sa Malolos at San Miguel para sa Brigada Eskwela, na layunin na pag-isahin ang komunidad para ihanda ang mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase sa June 16 para sa School Year 2025-2026.
Sa Barihan Elementary School sa Malolos City, tiningnan nila ang plano para sa pagpapagawa ng paaralan na madalas bahain. Kinausap nila ang mga local engineers at teachers tungkol sa recovery timeline at structural improvements. Kasama ang ilang magulang na volunteers, tumulong din sila mag-install ng bagong blackboard sa isang classroom, simbolo ng panibagong commitment para sa matibay at dekalidad na edukasyon.
Pagdating sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, inobserbahan nila ang isang Khan Academy-powered class ng paaralan at sinaksihan ang pag-install ng bagong Smart TV. Ininspeksyon din nila ang bagong activate na Starlink connectivity, isang bahagi ng effort ng DepEd para lutasin ang digital divide. Nagbigay din sila ng words of encouragement para sa mga bagong hire na public school teachers, 20,000 sa kanila ang ide-deploy nationwide ngayong taon.
Kasabay ng sabayang Brigada activities sa buong bansa, ang tema ngayong taon ay “Brigada Eskwela: Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa,” para bigyang focus ang literacy at community support sa programa.
Sa direktiba ni Pangulong Marcos, binigyang-diin ni Secretary Angara na naka-focus sa literacy, data-informed planning, at community health ang Brigada Eskwela ngayong taon.
“Every repaired classroom is a promise to our children that learning will not wait. Every volunteer’s hand is a testament that the future of education rests not just in programs, but in people,” sabi ni Angara.
“Kung may bayang bumabasa, may bansang puno ng pag-asa. When a child reads with confidence, a nation rises with dignity,” dagdag pa niya.
Committed ang DepEd na siguraduhing malinis, ligtas, at ready ang mga classrooms para sa mga bata kaya naman libo-libong schools sa lahat ng rehiyon ang sumabay sa Brigada Eskwela ngayong taon, kasama ang suporta ng mga ahensya tulad ng DPWH, DICT, at MMDA sa infrastructure repair, digital tools, at kalinisan.
Highlight din ng campaign ang mga reporma sa loob ng DepEd, kabilang na ang pag-hire ng 20,000 bagong teachers at 10,000 administrative staff, at ang 57% na pagbawas sa paperwork ng mga guro sa pamamagitan ng mas streamlined na reporting system.
Sa pangunguna ni President Marcos, ang Brigada Eskwela ngayong taon ay simbolo ng shift mula sa pagtingin sa school readiness bilang seasonal task kapag pasukan lamang, patungo sa isang national movement na may layuning bigyang dignidad, kahandaan, at tunay na oportunidad ang bawat batang Pilipinong mag-aaral.
END