Hulyo 1, 2025 — Fake news ang kumakalat na social media post tungkol sa umano’y pagdaragdag ng Saturday classes sa elementary hanggang senior high school.

Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anumang uri ng misinformation.

Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts.