![]() |
BOGO CITY, Cebu, 2 Oktubre 2025 – Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Kalihim ng Edukasyon Sonny Angara, at iba pang opisyal ng pambansang pamahalaan nitong Huwebes sa Bogo, Cebu upang maghatid ng agarang tulong at suriin ang pinsala ng 6.9-magnitude na lindol na sumira sa libo-libong silid-aralan at komunidad sa hilagang Cebu.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang situation briefing kasama sina Kalihim Angara at iba pang miyembro ng Gabinete, kabilang sina Kalihim Vince Dizon, Rex Gatchalian, Christina Frasco, at Teodoro Herbosa. Kabilang din sa kanilang sinuri ang City of Bogo Science and Arts Academy, isa sa pinakamalubhang naapektuhan, kung saan tatlong gusali ang hindi na maaring magamit dahil sa tinamong pinsala.
“Hindi ito minsanan lang, we will continue to monitor, we will continue to coordinate with the local leaders here to make sure maganda ang takbo ng rehabilitation and support na binibigay natin,” ani Pang. Marcos.
Batay sa ulat ng Department of Education (DepEd) noong Oktubre 1 ng alas-11 ng gabi, nasa 5,587 na silid-aralan ang may bahagyang pinsala, 803 ang may malubhang pinsala, at 1,187 naman ang tuluyang nasira sa mga paaralan sa Cebu. Higit 19,000 na mag-aaral at 950 guro at non-teaching personnel ang apektado.
“Sa gitna ng trahedya, kailangan mas maagap tayong tumulong para hindi rin maputol ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral. Habang inaayos ang mga paaralan, agad tayong maghahatid ng alternatibong paraan upang may gabay, pag-asa, at direksyon silang mahahawakan,” pahayag ni Angara.
Matapos ang beripikasyon mula sa mga field office, ilalabas ang opisyal na listahan para sa joint validation ng DepEd at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy ang halaga ng rekonstruksyon. Tiniyak ng Kagawaran na agad na ilalaan ang pondo para sa maayos ang mga nasirang gusali.
Nag-abot naman ng EduKahon teaching and learning recovery kits si Sec. Angara sa nasa 70 mag-aaral at 17 guro.
Siniguro din ni Angara sa mga magulang at guro na magpapatuloy ang edukasyon matapos ang mga agarang hakbang, at binigyang-diin na pangunahing gagamitin ang modular learning bilang pinakamainam na paraan para sa mga komunidad na may nasirang silid-aralan o limitado ang koneksyon sa internet.
Nakatakda ring ilabas sa susunod na linggo ang patakaran sa lesson packets at ang Dynamic Learning Program, habang ilalabas agad ang pondo para sa mga learning materials.
Nakikipag-ugnayan din ang DepEd Learning Systems Strand (LSS) sa mga Schools Division Superintendent upang magpatupad ng mga interbensyon na angkop sa sitwasyon sa bawat lugar matapos ang mga unang hakbang ng pagtugon.
Upang mabawasan ang nawalang araw ng klase, na tinatayang aabot sa halos isang buwan sa pinakamalubhang naapektuhan, maglalagay ang DepEd ng Temporary Learning Spaces (TLS) sa Bogo at mga karatig-bayan ng Cebu. Uunahin dito ang mga batang nasa early grades upang masimulan agad ang limitadong face-to-face classes.
“Bayanihan ang susi. Dapat mabilis ang aksyon ng lahat para mas mabilis din makakabalik ang ating mga guro at mag-aaral sa normal na klase,” dagdag ni Angara.
Ayon pa sa DepEd, ang mga empleyadong nasa apektadong lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity ay maaaring gumamit ng Special Emergency Leave alinsunod sa panuntunan ng Civil Service Commission (CSC). Dagdag pa ng kagawaran, ang mga rehiyong hindi naapektuhan ay nagmomobilisa na rin ng pondo at tulong upang makapagbigay ng suporta, kabilang ang pinansyal na ayuda, para sa mga apektadong guro.
ENGLISH VERSION
PBBM, Angara pledge quick aid, modular learning for quake-hit Cebu schools
BOGO CITY, Cebu, 2 October 2025 – President Ferdinand R. Marcos Jr., Education Secretary Sonny Angara, and other national government officials on Thursday visited Bogo, Cebu to provide immediate assistance and assess the impact of the 6.9-magnitude earthquake that damaged thousands of classrooms and communities in northern Cebu.
President Marcos led the situation briefing together with Sec. Angara and other Cabinet Secretaries, including Secs. Rex Gatchalian, Vince Dizon, Christina Frasco, and Teodoro Herbosa. They also assessed the City of Bogo Science and Arts Academy, one of the hardest-hit campuses, where at least three buildings were not declared safe for occupancy.
“Hindi ito minsanan lang, we will continue to monitor, we will continue to coordinate with the local leaders here to make sure maganda ang takbo ng rehabilitation and support na binibigay natin,” President Marcos said.
As of 11 p.m. on October 1, the Department of Education (DepEd) reported 5,587 classrooms sustained minor damage, 803 major damage, and 1,187 were totally destroyed in Cebu schools, affecting more than 19,000 learners and 950 teaching and non-teaching personnel.
“Sa gitna ng trahedya, kailangan mas maagap tayong tumulong para hind rin maputol ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral. Habang inaayos ang mga paaralan, agad tayong maghahatid ng alternatibong paraan upang may gabay, pag-asa, at direksyon silang mahahawakan,” Angara said.
Subject to further validation by field offices, a vetted list will then be endorsed for joint DepEd-DPWH validation to determine costs. The department noted that reconstruction funds will be downloaded immediately.
The DepEd chief also distributed nearly 90 EduKahon teaching and learning recovery kit.
Angara also assured parents and teachers that education will continue after immediate emergency measures are addressed, stressing that DepEd will rely primarily on modular learning, the most practical mode for communities with damaged classrooms or limited connectivity. Policies on lesson packets and the Dynamic Learning Program are also set to be finalized next week, with emergency funds for learning materials to be released right after.
The DepEd Learning Systems Strand (LSS) is also coordinating with Schools Division Superintendents for context-specific interventions once immediate emergency measures are addressed.
To minimize lost school days, estimated at about one month in the hardest-hit areas, DepEd will also establish Temporary Learning Spaces (TLS) in Bogo and nearby Cebu towns to prioritize early grade learners and resume limited face-to-face classes sooner.
“Bayanihan ang susi. Dapat mabilis ang aksyon ng lahat para mas mabilis din makakabalik ang ating mga guro at mag-aaral sa normal na klase,” Angara said.
DepEd also said that those in affected areas declared under a state of calamity may avail of Special Emergency Leave under CSC rules. The department added that unaffected regions are mobilizing resources to extend support, including financial aid, to affected teachers.
END


