![]() |
LUNGSOD NG MAKATI, 6 Nobyembre 2025 — Nakipagsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) sa Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) at Solar Pictures, Inc. upang muling palakasin ang DepEd TV at palawakin ang mga learning strategies para matugunan ang learning loss kapag may kalamidad.
Ang DepEd TV ay isang proyekto ng pamahalaan at partners na una nang nagamit noong pandemya at naghatid ng broadcast TV-based learning sa milyong milyong mag-aaral habang sarado ang mga paaralan.
Sa ilalim ng tripartite Memorandum of Agreement, magtutulungan ang tatlong institusyon para palawakin ang 21st-century learning delivery, media integration sa mga silid-aralan, at content-based pedagogy. Magbibigay ang KCFI ng mga educational content at materyales na nakaayon sa pamantayan ng kurikulum ng DepEd, habang maglalaan naman ang Solar Pictures ng isang digital terrestrial television channel na nakalaan para sa mga programa ng DepEd TV.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang inisyatibong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing responsive ang edukasyon sa mga hamon ng panahon.
“We have communities where learners study in temporary shelters and teachers persevere despite losing their classrooms due to earthquakes or typhoons,” ani Angara. “These are the realities of our new normal. It is difficult, but deeply reassuring to know that partners like you continue to stand with us in keeping education going.”
Binigyang-diin ni Sec. Angara na dahil sa mga sunod sunod na kalamidad, dapat nakasalalay sa in-person classes lamang ang pagpapatuloy ng pagkatuto. Isa ang DepEd TV sa mga hakbang ng Kagawaran upang maihatid ang mga aralin direkta sa mga tahanan at komunidad gamit ang mga platapormang madaling ma-access kahit walang internet.
Sinabi ni KCFI President Rina Lopez na ang bagong kasunduan ay pagpapatuloy ng matagal nang adhikain ng Knowledge Channel, na nagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo, na gawing abot-kamay ang dekalidad na pagkatuto.
“From early childhood to K–12 and ALS, we remain dedicated to delivering engaging, culturally grounded, and gender-sensitive lessons that make learning stick—supported by data, feedback, and continuous improvement,” ani Lopez.
Ipinahayag naman ni Wilson Y. Tieng, Pangulo at CEO ng Solar Pictures, ang kanilang kagalakan sa pagiging bahagi ng makabuluhang proyekto.
“We look forward to this journey together and to witnessing the impact this collaboration will have on the lives of millions of Filipino students,” ani Tieng.
Non-exclusive ang nasabing kasunduan kaya’t maaaring makipagtulungan ang kagawaran sa iba pang content providers na makapagbibigay ng de-kalidad na educational materials na nakaayon sa kurikulum at pamantayan ng DepEd.
Ang proyekto ay hakbang ng DepEd, katuwang ang mga partners, para isulong ang inklusibo, makabagong, at climate-resilient na edukasyon, upang matiyak na walang batang maiiwan.


