![]() |
Nobyembre 7, 2025 — Fake news ang kumakalat na post tungkol sa umano’y suspensyon ng klase sa buong bansa ngayong Nobyembre 7, 2025. Bagamat may mga LGU na nag-anunsiyo ng walang pasok dahil sa epekto ng Bagyong Tino, hindi totoo ang nationwide class suspension.
Pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling balita at agad i-report ito.
Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa class at work suspensions, sumangguni lamang sa mga lehitimong social media page ng pamahalaan, LGUs, at mga mapagkakatiwalaang news organization.


