Nobyembre 11, 2025 — Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y pagtanggal ng Grade 11 at 12 para sa SY 2026-2027.

Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online. Huwag i-follow ang mga page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad i-report ang mga ito.

Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts.