
LUNGSOD NG MAKATI, 26 Enero 2026 — Itinampok ng Department of Education (DepEd) noong Lunes ang lumalawak na partnership nito sa Khan Academy Philippines, na sumusuporta sa pag-angat sa learner performance at suporta sa mga guro gamit ang mga paggamit ng libreng digital learning platform sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa
Ayon sa DepEd, umabot na sa mahigit 711,000 learner-beneficiaries at 12,153 guro sa higit 2,700 pampublikong paaralan ang naaabot ng Khan Academy Philippines, mula sa paunang pilot na 30 paaralan noong nagsimula ang partnership. Patuloy ang paglawak ng programa sa buong bansa, na nagbibigay ng libreng software access at teacher training nang walang dagdag na gastos sa pamahalaan.
Bilang pagkilala sa tuloy-tuloy na ambag nito sa learning recovery at suporta sa mga silidaralan, pinarangalan ng DepEd ang mga lider ng Khan Academy Philippines—Geraldine Acuña-Sunshine (President and Chief Executive Officer), Myrish Cadapan-Antonio (Chief Operating Officer and Trustee), at Denise N. Fabella (Executive Director)—bilang DepEd Heroes sa pangunguna sa nationwide scale-up ng libre at de-kalidad na digital learning tools para sa mga pampublikong paaralan
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nagsimula ang partnership sa iilang paaralan lamang bago ito lumawak sa libo-libong paaralan sa buong bansa
“Noong nagsimula kami sa Khan Academy Philippines, nasa iilang dosenang paaralan pa lamang ito. Ngayon, libo-libong paaralan na ang sinusuportahan nito sa buong bansa, na may libreng tools at libreng training para sa mga guro, nang walang dagdag na gastos sa pamahalaan,” ani Angara. “Nababawasan nito ang bigat sa mga paaralan at mas napapadali ang pagpapatupad ng learning recovery sa malawakang saklaw.”
Binanggit din ni Angara na tinutugunan ng platform ang isang pangunahing hamon sa mga silid-aralan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga guro ng real-time data sa progreso ng mga mag-aaral, na tumutulong sa mabilis na pagtukoy ng learning gaps at pag-aayos ng instruction nang hindi nadaragdagan ang administrative work o pangangailangan sa resources.
“Tayo ’yung unang recipient sa buong mundo. Libre nilang binigay sa ating mga guro. So I hope our teachers here, our principals here will have the same zeal, same excitement, the same determination to get these tools out to our learners in the field,” dagdag niya.
Ayon sa DepEd, ang mastery-based learning system ng Khan Academy ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na matuto ayon sa sarili nilang bilis, na agarang nagpapadali sa pagpapatupad ng remediation, enrichment, at independent learning sa loob ng regular na klase o sa after-school programs.
Sinabi rin ng DepEd na pinalakas ng partnership ang kakayahan ng mga guro sa pamamagitan ng nationwide onboarding at training, na nagbigay sa kanila ng classroom-readydigital tools na nakaayon sa curriculum at learning priorities ng Kagawaran.
Ayon kay Atty. Acuña-Sunshine, nakatuon ang gawain ng organisasyon sa pagtanggal ng mga hadlang na pumipigil sa mga mag-aaral na makakuha ng de-kalidad na edukasyon.
“For our country to thrive, the best education must be democratized and must be made available for all. That’s why we at Khan Academy Philippines are driven to provide a free, world-class education to everyone, everywhere, ensuring that every Filipino child has access to basic literacy and numeracy,” aniya.
Ipinakita rin ang epekto ng partnership sa mismong recognition ceremony, na dinaluhan ng mga school head mula sa National Capital Region, na nagpatunay sa pagbuti ng learner engagement at classroom performance matapos isama ang Khan Academy resources sa kanilang mga paaralan.

