LUNGSOD NG MAKATI, 2 Pebrero 2026 – Binigyang-diin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ngayong Lunes na ang pakikilahok ng mga mag-aaral ang nagiging batayan ng mga kasalukuyang reporma sa edukasyon, base sa tunay nilang karanasan sa silid-aralan Ito’y habang nagsusumikap ang ahensya na patatagin ang batayang pagkatuto at pagandahin ang paraan ng pagtuturo at pagtatasa sa mga paaralan.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng International Day of Education sa Gen. Pio del Pilar National High School sa Makati City, iginiit ni Education Secretary Sonny Angara na lalong nakapokus sa mag-aaral ang agenda ng reporma ng DepEd, lalo na sa early grades kung saan inihahanda ang pundasyon ng pag-aaral.

“We will have universal feeding for all public schools in the Philippines for kindergarten and grade 1, all for 180 days for the full school cycle. For the first time in Philippine history. And the budget is now almost 10 times more,” ani Angara.

Ayon sa Kalihim, ang pagpapalawak ng School-Based Feeding Program ay nagpapakita ng prayoridad ng Kagawaran sa batayang pagkatuto at kahandaan ng mag-aaral.

“Kung ating titingnan ang mga bansang maunlad sa edukasyon, nakatuon sila sa pundasyon. ‘Pag mahina ang pundasyon, mahina din ang itatayong gusali o itatayong halili. So definitely, and it doesn’t just involve what we teach in the classroom. It involves what we do at home. How we bring up our children,” dagdag ni Angara.

Bilang bahagi ng mga hakbang upang gawing mas kawili-wili ang pag-aaral, hinimok ni Angara ang mga paaralan at guro na lubos na gamitin ang mga digital at panturo na kagamitan tulad ng Khan Academy Philippines, Canva, Google, at Microsoft, na ibinigay ng Kagawaran.

“So by all means, let’s make use of the tools being made available to you by the Department to maximize our students’ learning. We really want to make things more fun, more engaging. Because we realize this is a system that we all co-create together. And it’s for the benefit of everyone,” pagdidiin pa ni Angara.

Binigyang-puri rin ng mga katuwang sa edukasyon ang papel ng kabataan bilang aktibong kasama sa reporma.

“As lifelong learners, volunteers, peer educators, innovators, advocates, and future leaders, youth are not just participants in education. They are its driving force,” pahayag ni Ivan Anthony Henares, secretary-general ng UNESCO National Commission of the Philippines.

Iginiit naman ni Kyungsun Kim, Country Representative ng UNICEF Philippines, na nagpapatibay sa kahalagahan ng mga reporma sa edukasyon ang pakikilahok ng mag-aaral.

“Your voice, your creativity, your courage, and your power to help shape the future of education in the Philippines and the future of the country,” wika ni Kim.

Nagtipon sa okasyon ang mga lider-estudyante, tagapayo ng kabataan, guro, at opisyal ng DepEd mula sa National Capital Region sa ilalim ng temang “The Power of Youth in Co-Creating Education”.