
LUNGSOD NG MAKATI, 6 Pebrero 2026 — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang pagkilala sa mga public school educators matapos niyang saksihan ang oathtaking ng 2,915 newly promoted teachers at school leaders mula sa National Capital Region (NCR), na binibigyang-diin ang tulak ng administrasyon na pabilisin ang matagal nang naantalang career progression sa sektor ng edukasyon.
“As you take your oath today, you are renewing the promise that you have made to our children and to our nation because you carry a big responsibility every single day inside the classrooms and always extending way beyond school hours,” ani Pangulong Marcos. “As your public servant, I believe that our fight to build a better government begins through education and through the people who mold the minds of our youth.”
Idinaos noong Pebrero 6, pormal na minarkahan ng seremonya ang promotion ng mga educators sa mas mataas na career stages, kabilang ang Teacher III hanggang VII, Master Teacher II hanggang V, at Principal II hanggang IV. Pinangasiwaan ni Education Secretary Sonny Angara ang panunumpa, habang personal itong nasaksihan ng Pangulo, kasama si Makati City Mayor Nancy Binay at mga senior officials ng Department of Education (DepEd).
“Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, inuuna natin ang guro—hindi lang sa salita, kundi sa malinaw na reporma na nagbibigay ng dignidad, pag-angat, at kinabukasan sa propesyon ng pagtuturo,” ani Angara.
Isinagawa ang mga promotion sa pamamagitan ng isang fast-tracked process na pinagsama ang appointments mula sa natural vacancies at position reclassification sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) framework, na nagbigay-daan sa Department na agad tugunan ang matagal nang promotion backlogs sa iba’t ibang NCR divisions.
Sa kabuuang 2,915 promoted personnel, 2,186 ang umangat sa pamamagitan ng natural vacancies, habang 729 ang na-promote sa pamamagitan ng ECP reclassification. Ipinapakita nito ang isang dual-track approach na nagbibigay-daan sa mga kwalipikadong educators na umangat batay sa merit at readiness, at hindi lamang nakadepende sa availability ng vacant plantilla positions.
Ang mga promotion ay nakaangkla sa Republic Act No. 12288, o ang Career Progression for Public School Teachers and School Leaders Act of 2025, isang landmark reform na nilagdaan sa ilalim ng Marcos administration. Itinatakda ng batas ang isang structured, competencybased career system na may parallel tracks para sa classroom teaching at school administration, na may equivalent salaries at benefits, at malinaw na probisyon na walang mababawas sa kasalukuyang kompensasyon ng mga guro.
Ayon sa DepEd, ang paggamit ng parehong natural vacancy appointments at ECP reclassification ay nagbigay sa mga division ng flexibility upang tumugon sa magkakaibang staffing conditions at readiness levels, habang pinananatili ang integridad ng government personnel system
Binigyang-diin din ng Department na ang promotion ay nakaangkla sa Philippine Professional Standards for Teachers, upang matiyak na ang advancement ay batay sa competence, performance, at professional growth. Sa pagbibigay-daan sa pag-angat ng mga guro habang nananatili sa classroom, sinabi ng DepEd na nakatutulong ang reporma sa pag-retain ng expert teachers, pagpapataas ng morale, at pagpapalakas ng learning outcomes ng mga magaaral.
Kasunod ito ng katulad na oath-taking ceremony na ginanap noong Enero sa Ilocos Region, kung saan 789 teachers ang nanumpa para sa kanilang promotion, na nagpapatibay sa nationwide scale at momentum ng reporma.
Isinagawa ang seremonya sa ilalim ng guiding principle ng DepEd NCR na RISE—Resilience, Integrity, Service, and Excellence, na muling nagpatibay sa pinalawak na responsibilidad ng mga guro at school heads bilang frontline leaders ng education reform, habang ang Pangulo mismo ang tumayong saksi sa kanilang renewed commitment sa mga mag-aaral at sa bansa.


