LUNGSOD NG MAKATI, 9 Marso 2026 – Upang mabawasan ang pagkonsumo ng enerhiya at higit na magamit nang wasto ang pampublikong kagamitan, sinimulan ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang pagpapatupad ng mga istriktong protocol sa pagtitipid ng fuel at mandatoryong flexible work arrangement para sa mga kawani nito.

Ang inisyatibong ng DepEd ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular No. 114 s. 2026, na naglalayong maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng petrolyo bunsod ng mga tensyong geopolitikal sa mundo.

“DepEd is fully committed to doing its part in reducing energy consumption across government operations while ensuring that our schools and offices continue to serve the public effectively,” pahayag ni Secretary Sonny Angara.

“We are firmly resolved to ensure that these shifts in our operations do not cause a single day of delay in the delivery of essential government services to our learners and stakeholders,” dagdag pa ni Angara.

Sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 18 s. 2026, layon ng mga bagong protocol na mabawasan ng 10 hanggang 20 porsiyento ang pagkonsumo ng kuryente at krudo.

Kabilang sa mga hakbang para dito ang pagpapanatili ng setting ng air-conditioning sa 24°C; pag-activate ng sleep settings sa mga kagamitan at pagpatay sa mga hindi kailangang ilaw at kagamitan tuwing break at pagkatapos ng oras ng trabaho; at paghikayat sa paggamit ng hagdan hangga’t maaari.

Isasagawa na rin ang mga inter-agency meeting, konsultasyon, at kumperensya sa pamamagitan ng virtual platforms hangga’t maaari, habang lilimitahan ang mga opisyal na biyahe sa mga mahahalagang aktibidad.

Upang mapalakas ang fleet efficiency, inatasan na pagsamahin ang mga opisyal na biyahe upang mabawasan ang paggamit ng sasakyan; i-optimize ang mga ruta; bawasan ang pagidling ng sasakyan; at magpatupad ng mas mahigpit na fuel monitoring at preventive maintenance para sa mga sasakyan ng gobyerno.

Simula Marso 9, 2026 hanggang sa bawiin ng Malacañang, ipatutupad ng DepEd ang fourday onsite work arrangement mula Lunes hanggang Huwebes. Tinalaga ang Biyernes bilang common work-from-home (WFH) day para sa lahat ng sakop na on-teaching at relatedteaching personnel.

Ang mga teaching personnel naman ay magpapatuloy sa kanilang kasalukuyang iskedyul ng klase upang matiyak na walang maaantala sa pag-aaral at sa mga end-of-school-year na aktibidad.

Upang mapanatili ang mataas na antas ng produktibidad, ang lahat ng kawani na nasa WFH status ay kinakailangang magsumite ng Daily Time Records (DTR) at Individual Daily Logs at Accomplishment Reports.

Inatasan din ang mga pinuno ng mga tanggapan na tiyaking mapapanatili ang zerobacklog alinsunod sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.