Marso 12, 2026 — Mga Ka-DepEd, fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa umano’y suspensyon ng klase tuwing Huwebes at Biyernes.

Muling pinaaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online. Huwag i-follow ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon
at agad itong i-report.

Para sa tama at opisyal na anunsiyo tungkol sa basic education, sumangguni lamang sa official DepEd Philippines social media accounts.