
LUNGSOD NG MAKATI, 25 Marso 2026 — Nagpahayag ng suporta ang mga magulang, guro, at school leaders sa paglipat ng Department of Education (DepEd) sa three-term school calendar. Naniniwala silang makatutulong ito para mas maging maayos ang takbo ng pagtuturo at mabigyan ng mas maraming oras ang mga guro na magturo.
Ang bagong kalendaryo para sa School Year 2026–2027, na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang sektor ng edukasyon, ay naghahati sa school year sa tatlong termino upang mas mapamahalaan ang oras sa pagtuturo, pagsusulit, at iba pang gawain sa paaralan.
Ang mga konsultasyon ay isinagawa sa pambansa, regional, at school level, kabilang ang mga pakikipag-ugnayan sa mga guro at pinuno ng paaralan.
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na layunin ng pagbabagong ito na tulungan ang mga guro sa mas maayos na pamamahala ng kanilang trabaho sa pamamagitan ng mas malinaw na iskedyul para sa pagmamarka, pag-uulat, at iba pang administratibong gawain.
Ayon sa mga school leader tulad ni Edwin Fuego, school head ng Alveola Integrated School Annex sa Butuan City, makatutulong ang three-term na istruktura upang mas mapagtuunan ng pansin ng mga paaralan ang aktuwal na oras ng pagtuturo.
“With a more structured distribution of the school year, educators can devote sufficient time to ensure that learning competencies are thoroughly taught and mastered,” ani Fuego.
Ayon din sa mga guro, makatutulong ang pagbabagong ito upang mabawasan ang bigat ng mga administratibong gawain sa loob ng school year.
Sinabi ni Teacher Reden Juego ng Ramon Magsaysay Cubao High School na malinaw na naihihiwalay ng three-term calendar ang oras para sa pagtuturo at ang mga gawaing tulad ng pagche-check ng exam at paghahanda ng report card.
“On the part of the teachers, administrative tasks such as checking the summative test papers, computing for grades, distribution of report cards, and the like will be reduced. This entails time for teachers to focus on actual planning and execution of lessons,” aniya.
Sa panig naman ng mga magulang, nakikita ang reporma bilang paraan upang maging mas maayos ang pacing ng school year.
Para kay Miriam Illescas, isang magulang mula sa Malolos Marine Fishery School and Laboratory sa Bulacan, makatutulong ang mas organisadong kalendaryo upang mabawasan ang pagkaantala ng klase dulot ng madalas na aktibidad sa paaralan o mga hindi inaasahang pangyayari.
“The three-term school calendar by DepEd offers a structured yet flexible framework for learning. With proper planning, it can improve student achievement, minimize fatigue, and provide timely support for learners who are struggling,” aniya.
Dagdag ni Angara, bahagi ang calendar shift ng mas malawak na hakbang upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa buong bansa, kabilang ang pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagpapalawak ng school feeding programs, pagpapatibay ng literacy interventions, at pagbibigay ng sapat na mga aklat sa mga mag-aaral.
Tiniyak ng DepEd na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga stakeholder at babantayan ang implementasyon nito upang masigurong makikinabang kapwa ang mag-aaral at guro sa naturang reporma.


