
LUNGSOD NG ORMOC, 14 Abril 2026— Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga campus journalists sa pagbubukas ng 2026 National Schools Press Conference (NSPC) manatiling nakatuon sa katotohanan at pananagutan sa gitna ng mabilis na pagbabago sa media landscape dulot ng artificial intelligence.
Ang NSPC nitong taon, na inorganisa ng DepEd katuwang ang lokal na pamahalaan ng Ormoc, ay nagbukas nitong Lunes sa panawagan sa mga campus journalists na gampanan ang mas kritikal na papel laban sa misinformation at disinformation.
“Now more than ever, the role of the student-journalist is vital, for they are called to lead in fact-checking and to stand as defenders of verified, credible, and truthful information for the public,” pahayag ni Undersecretary for Learning Systems Strand Carmela Oracion na kumatawan kay Secretary Sonny Angara sa 2026 NSPC.
Binanggit din ni Oracion na mabilis na ngayon ang daloy ng impormasyon, kasabay ng mas mataas na panganib.
Iginiit niya ang kahalagahan ng principled journalism sa paghubog ng public understanding, sabay nanawagan sa mga campus journalist na panatilihin ang accuracy at integrity.
Iginiit naman ng broadcast journalist at keynote speaker na si Atom Araullo ang mas malalim na layunin ng journalism sa harap ng mahigit 3,400 delegado mula sa 18 rehiyon na nagtipon sa Ormoc City Superdome.
“Ang journalism ay hindi isang competition. Ito ay isang serbisyo. Kapag may sakuna, may eleksyon, may katiwalian, kailangan may magsabi ng totoo,” ani Araullo.
Binigyang-diin din niya ang limitasyon ng mga emerging technologies kagaya ng artificial intelligence (AI) sa news work.
“AI can generate content, but it cannot pursue the truth,” dagdag niya.
May tema ngayong taon na “Mapanuri, Mapanindigan, at Mapanagutang Pamamahayag,” tampok sa NSPC ang mga kompetisyon sa writing, visual journalism, at broadcast at multimedia.
Kabilang dito ang news, feature, editorial, sports, science and technology, at column writing, pati copyediting and headline writing, photojournalism, editorial cartooning, radio at TV broadcasting, online publishing, at mobile journalism.
Ayon sa mga opisyal, hindi lamang paligsahan ang NSPC kundi isang plataporma upang palakasin ang papel ng campus journalism sa nation-building.


