LUNGSOD NG ORMOC, Leyte, 17 Abril 2026 — Matagumpay na naisara na ang 2026 National Schools Press Conference (NSPC) sa Ormoc City nitong Biyernes, kung saan nagsama-sama ang pinakamahusay na campus journalists ng bansa sa isang linggong pagdiriwang ng kahusayan, disiplina, at kapangyarihan ng pagkukuwento.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga kalahok sa mas malalim na layunin ng kanilang sining.

“Sa bawat balitang isinulat ninyo, sa bawat katotohanang pinili ninyong ipaglaban, hinuhubog ninyo hindi lamang ang inyong sarili kundi ang kinabukasan ng ating bayan. Ipagpatuloy ninyo ang pagsusulat. Ipagpatuloy ninyo ang paninindigan para sa bansa,” Angara said.

“Sa panahon ng ingay at impormasyon, ang pinakamahalaga ay ang kakayahang pumili ng tama at ipaglaban ang katotohanan. Nawa’y dalhin ninyo ang aral ng NSPC—na ang isang mamamahayag ay may paninindigan, may pananagutan, at may malasakit sa bayan,” he added.

Nanguna ang CALABARZON bilang overall champion, muling inangkin ang korona ng NSPC matapos ang matatag na performance sa parehong individual at group categories. Pumangalawa ang NCR, sinundan ng Region II, Region V, at Region III.

Sa kanyang pangwakas na mensahe, ibinahagi ni Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez ang paalala na lumampas sa mismong kompetisyon.

“You have to honor the journey. Keep writing, keep sharing your stories because life is a collection of stories. We are very inspired here in Ormoc,” she said, na nagpatibay sa papel ng lungsod bilang host at katuwang sa paghubog ng mga kabataang manunulat.

Binigyang-diin ng Department of Education na nananatiling mahalagang plataporma ang NSPC sa paghubog ng mga responsableng, mapanuri, at etikal na tagapaghatid ng impormasyon sa gitna ng lalong nagiging komplikadong media landscape.

Sa temang “Mapanuri, Mapanindigan, at Mapanagutang Pamamahayag” (Critical, Principled, and Accountable Journalism), patuloy na hinuhubog ng kumperensya ang isang henerasyon ng mga mag-aaral na nauunawaan ang bigat ng katotohanan at ang pananagutang kaakibat ng pagsasalaysay nito.