โ€œThe Philippines needs more scientists and young researchers like us and like them to contribute sa [community].โ€

Bumalik ng National Science and Technology Fair (NSTF) ngayong taon si Jesscel Mae Libiran, isa sa mga nagwagi sa NSTF 2020 at dating mag-aaral ng Juan R. Liwag Memorial High School, upang magbigay ng inspirasyon sa mga batang mananaliksik na kalahok sa patimpalak.

Ayon kay Jesscel, kailangan ang sigasig at determinasyon ng mga batang mananaliksik para umunlad ang agham at teknolohiya sa bansa.

โ€œAlam naman natin yung situation sa Pilipinas. Kulang tayo sa scientists, kaya they [NSTF participants] should practice or translate their work or knowledge dun sa research into something more tangible for the community and for the society,โ€ aniya.

โ€œI think yung fulfilling part sa STEM is that you actually see your learnings and knowledge come to life parang nagttranslate siya into something practical na nagagamit natin everyday,โ€ dagdag pa niya.

Parte si Jesscel ng isang team na naging kalahok sa International Science and Engineering Fair (ISEF) 2020 matapos mahirang ang kanilang research na isa sa Top 6 Best Projects sa Life Science Category sa NSTF 2020.

Nakapokus ang kanilang pag-aaral na may title na โ€œHydrocotyle verticillate Reduces Ethanol Tolerance and Neurotixic Effects on Cognitive and Motor Functions of Drosophila melanogasterโ€ sa pagbawas ng epekto ng alkohol sa isang tao upang masiguro na maayos pa ang kanilang pag-iisip at maiwasan ang violent behavior.

Bagama’t nakansela at idinaos ang kompetisyon online dahil sa pandemya, dala ni Jesscel ang kanyang karanasan at mga natutuhan ngayong siya ay nasa kolehiyo na at kumukuha ng BS Health Sciences sa Ateneo de Manila University.

โ€œ’Yong NSTF nakatulong siya on boosting my self-confidence. And I was able to pursue these things, thanks to NSTF. Nag-open yung opportunities for me…They should continue what they are doing whatever happens in NSTF. Huwag nilang i-confine yung sarili nila sa science fair o science congress because research is more than that,โ€ ani Jesscel.